“Puyos”

Aaww!!! ang init!!! nakakapas281553_254228181273235_5980103_no!!!Araaaaaaaaaaaayy!!!

Ang dalawang bagay kapag kiniskis sa bawat isa iinit, uusok, aapoy, masusugat at iiwan ng peklat. Isang marka na nagbibigay in iba’t ibang pananaw, komento at sa madaling sabi, mapanghusga tayo. Kahit ano mang bagay na makita ng ating mata, marinig ng ating mga tainga, madama ng ating mga balat ay binibigyan natin ng kwento na minsan tama at kadalasang mali.  Kadalasang mali! Kaya nga maraming nag-dedebate, maraming away/gulo, krimen, patayan at mga bagay na immoral o taboo para sa lahat.  Ngunit bakit patuloy pa rin tayong gumagawa ng mga bagay na ito?

“Boring ang mga buhay natin kaya nakikialam tayo sa buhay ng iba”, sabi ng isang director na nakalimutan ko na kung anong pangalan nya. Tama ba kaya ang mga katagang kanyang binitawan? para siguro sa kakapiranggot na aspeto ng ating buhay ngunit kun ating hihimayin nakikialam lang tayo sa mga bagay na nakaka apekto sa buhay natin. Pag nakialam tayo sa buhay ng may buhay, para tayong nagipon ng kahoy saka unti unti nating sinilaban hanggang  lumala ang epekto nito at habang dinaragdagan mo ang kahoy ay lalo itong umaapoy at pag tinigil naman natin kusa nalang itong nawawala.

Kalimitang pinipili ko ang landas na huwag na lang makialam. Oo marami kang maririnig sa aking bibig tungkol sa iba’t ibang bagay mula sa  aming bahay hanggang sa puntong pang politikal. Sa aking apat na mapaniruing mga mata, kahit hindi mo man sabihin malalaman at malalaman ko rin ang nais mong ipahiwatig. Hindi ako Psychic, marunong lamang akong kumilatis ika nga nahuhuli ang isda sa bibig. Ayaw ko ng gulo, lalo na ng ingay, ayaw ko rin ng away ngunit sadya lang na hindi mo maiiwasan ang mga baga na ito lalo na’t kinakailangan ito upang mapatatag ang pundasyon ng personalidad ng tao. Kalimitang wala kang makukuhang impormasyon sa akin sapagkat may mga bagay na hindi mo naman dapat malaman at hindi mo kailangang malaman. Iwasan ring manghusga ng ibang tao lalo na kung wala namang ginagawang masama saiyo sapagkat sino ba ang lalabas na masam kundi ikaw.

Hindi ko sinasabing perpekto akong  tao, hindi ko rin sinasabing hindi ako nanghusga. Ang akin lang naman may tamang panahon at pagkakataon sa mga bagay na yan. Hindi lahat ng oras namamatay ang apoy kapag binuhusan mo ito ng tubig, minsan lumalaki pa ito ng hindi inaasahan.

Posted last August 16, 2011 on my previous blog site sipocotasinsipulangangui.wordpress.com

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s